Wednesday, September 03, 2014

Best in Reading si TEACHER!

Best in Reading ang Teacher ko.
Antok na ako, 3 hours pa 'to.
Huhuhu. What I'm gonna do?
Oh kabagutan, layuan mo ako!

Kulang na lang "record label"
Kung makapag-rap lumi-level.
Oh aking Teacher, akin na ang lapel.
Mabuti pa atang ako'y pumapel.

Tula, dati-rati'y aking nasusulat.
Ngunit pagtagal, kakayana'y umalat.
Subalit ngayon akoy'y nagulat,
Dahil sa Teacher ko, muling namulat.

Sa tulang isinulat, nawala ang antok.
Napagmasdan ko tuloy mga kaklaseng bagot.
Daliri'y pilit nilang pinuputok.
At ang bolpen sa mesa'y pinaiikot-ikot.

Baon kong kape'y naubos ko na.
Baon kong mani, plastic lang natira.
Maglalaro sana sa cellphone kong luma.
Subalit naunahan ako ng hiya.