Boat ride to Brgy. Janosa |
(parang mas mabilis ko'to matatapos kung Tagalog)
... Pagdaong ng bangka sa Brgy. Janosa, magtungo sa 'registration area' at magbayad ng kaukulang mga bayarin. Mahigpit ding ipinatutupad ng Barangay ang pagkakaroon ng 'guide' upang maging ligtas sa paglalakbay.
Madadaanan ang maraming puno ng kawayan habang paakyat ng bundok.
Group picture using our improvised monopod. |
Taking a rest under the bamboo shade. |
May mga bahagi din na matataas na 'cogon' ang madadaanan kaya't ipinapayo na magsuot ng 'long sleeves'.
First wave of cogon trail. |
Pagdating ng campsite, maaaring magpahinga at kumain ng tanghalian bago magpatuloy sa 'summit'. Muli, matataas na 'cogon' ang daraanan kaya't ibayong pag-iingat ang kailangan.
Background: Mt. Tagapo Summit. |
Final wave of cogon trail... Summit here we come! |
Sa tuktok ng bundok, makikita ang kabilang bahagi ng isla. Matatanaw din mula sa 'summit' ang ilang bahagi ng Metro Manila, Laguna at Rizal.
At the summit of Mt. Tagapo. |
Sa pagbaba mula sa bundok, maaaring maghugas o maligo sa poso malapit sa 'registration area'. Makatutulong din sa mga mamamayan ng isla kung bibili ng mga pagkain at iba pang produkto sa kanilang mga tindahan.
No comments:
Post a Comment