Tuesday, January 29, 2013

Back to Back Trip to BOHOL

After Cebu Trip, I had a back to back visit to Bohol. The first one was with my two siblings last September 25, 2012 and two weeks after, it was with my parents. On the first visit, we stayed at the Taver's Pension House in Tagbilaran City. The service of the hotel was good and the location is convenient because it is situated in the city center where establishments, malls, and food chains are readily available. On the second visit, we stayed at the Alona Tropical Hotel in Panglao Island. The place is very relaxing since it is nature-inspired and is on the beach front.

Alona's Tropical Hotel, Panglao Island

Monday, January 28, 2013

Paglalakbay sa Bundok Humarap (Tatlong Krus)

Maliban sa kahanga-hangang mga "wood carvings," isa rin sa nagpapalakas ng turismo sa Bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna, ay ang Tatlong Krus. Tuwing pagdiriwang ng Mahal na Araw (Huwebes Santo), dinarayo ng mga turista ang lugar upang sariwain ang pagpapako kay Hesus sa Krus. Ang labing-apat na istasyon ay makikita kung aakyatin ang bundok sa bayan ng Paete.

Umaga noong ika-9 ng Abril, taong 2012, nagtungo ang aming pangkat sa bayan ng Paete upang akyatin ang Tatlong Krus at makita ang kabuuan ng nasabing bayan mula sa itaas. Isang kaibigan na naninirahan sa lugar ang naging gabay namin sa pag-akyat, bagamat masasabi ko na ang daan patungo sa tuktok ay maayos at ligtas. Noong araw na iyon, maraming naninirahan sa lugar at mga turista ang kasabay naming umakyat. Magiliw sila sa lahat ng taong nasasalubong lalo na sa mga dayong tulad namin.